1st Bangsamoro assembly, isasagawa sa Maguindanao ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 27, 2017 (Monday) | 2585

Isasagawa ang kauna-unahang Bangsamoro assembly sa Sultan Kudarat sa Maguindanao ngayong araw.

Pangungunahan ito ng Bangsamoro Transition Commission, Office of the President, Moro Islamic Liberation Front o MILF, at Moro National Liberation Front o MNLF.

Target nitong maipaalam sa mga tao ang kasalukuyang status ng Bangsamoro Basic Law o BBL na layuning magkaroon ng panibagong autonomous government para sa Bangsamoro. Inaasahang dadaluhan ito ng daan-daang miyembro ng mga Moro groups sa Mindanao.

Nakatakdang namang dumalo rin Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitipon.

Tags: , ,