Bago pa pumasok ang official campain period noong Februry 9, 6.9 billion pesos na ang kabuoang ginastos ng mga kandidato, base sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism.
Sa naturang ulat, nangunguna sa may pinakamalaking ginastos sa pre campaign ads sa tv at radio ang Liberal Party.
Ang Mar Roxas at Leni Robredo tandem kasama ang 12 senatorial candidate nito ay gumastos na ng 1.99 billion pesos.
Pumapangalawa naman ang partido ng United Nationalist Alliance o UNA kung saan sa tambalang Jejomar Binay at Gregorio Honasan palang umabot sa 1.1 billion pesos.
Bulto nito ay napunta sa mga tv at radio advertisment ni Binay.
Ang tambalang Grace Poe at Chiz Escudero naman umabot din sa mahigit isang bilyong piso.
Mayroong nasa mahigit 20-libong tv at radio ads si Poe habang 618 naman si Escudero.
Samantala si Rodigo Duterte at Allan Peter Cayetano ay gumastos ng mahigit 700-milyong piso.
Ang bulto nito ay napunta sa radio at tv ads ni Cayetano.
Subalit ayon sa Comelec hindi maaaring mapigilan ang mga kandidatong ito sa paggasta ng salapi dahil base sa batas hindi pa ito maituturing na pangangampanya dahil ginsatos nila ito bago ang campaign period.
Dagdag pa ng Comelec mula pagpasok ng campaign period hanggang matapos ito may limit ang dapat na gastusin ng mga kandidato.
Sa ngayon ay mayroong 55 milyong registered voters.
At base sa batas ang tumatakbong presidente at bise presidente ay dapat lamang gumastos ng 10-piso sa kada botante o hanggang 557.3-million pesos.
Ang mga Senador naman na may kinabibilangang political party ay 3-piso kada botate o hanggang 167.2-million pesos.
At ang mga independent candidate at Partylist group ay 5-piso kada botante o hanggang 278.6-billion pesos.
(Grace Casin/UNTV NEWS)