Umabot na sa P6.9 billion pesos ang gastos sa Pre Campaign Ads ng mga kandidato sa May 2016 Eelections bago pa nagsimula ang Campaign Period noong Pebrero.
Ito ay base na rin sa pagsisiyasat ng Philippine Center for Investigative Journalism.
Nangunguna sa may pinakamalaking gastos sa Pre Campaign Ads sa tv at radyo ang Liberal Party.
Kasama sa ginastos na 1.99 billion pesos nila Mar Roxas at Leni Robredo ang 12 Senatorial candidates nito.
Pumangalawa naman ang United Nationalist Allowance para sa tambalang Jejomar Binay at Gregorio Honasan na umabot sa 1.1 billion pesos.
Umabot naman sa mahigit isang bilyong piso ang gastos ng Grace Poe at Chiz Escudero Tandem.
Mahigit sa 700 milyong piso naman ang nagastos ng tambalang Rodrigo Duterte at Alan Peter Cayetano, kung saan napunta sa radio at TV ads ni Cayetano ang karamihan sa pondo.
Ayon naman sa Comelec, hindi maaaring mapigilan ang mga kandidato sa paggasta para sa kanilang Pre Campaign Political Ads dahil hindi pa ito sakop ng campaign period.
Nagpaalala naman ng COMELEC na limitado na dapat ang gastusin pagpasok ng campaign period hanggang sa ito ay matapos.
Nakasaad din sa batas na ang tumatakbong presidential at vice presidential candidates ay dapat gumastos lamang ng P10 piso kada botante o katumbas ng 557.3 Million Pesos.
Ang mga senador naman na may kinabibilangang political party ay dapat hanggang 3-piso lamang kada botante o katumbas ng 167.2 Million Pesos.
Para naman sa mga independent candidates at partylist group ay may 5-piso kada botante lamang o katumbas ng 278.6 billion pesos.
(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)
Tags: 6.9 billion pesos, campaign ads, Mga kandidato, Philippine Center for Investigative Journalism