Bakanteng pwesto sa command group, inaasahang mapupunan sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | March 7, 2016 (Monday) | 1742

LEA_MARQUEZ
Magrerekomenda na ang pamunuan ng Philippine National Police ng tatlong opisyal upang makumpleto ang kanilang command group.

Ito’y kasunod ng pagkakabakante sa ikalawa pinakamataas na posisyon sa Kampo Crame, ang Deputy Chief for Administration nang magretiro si Police Deputy Director General Marcelo Garbo noong March 2.

Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, ang rekomendasyon nya ay para sa mga posisyon na Deputy Chief for Administration, Deputy Chief for Operation at the Chief Directorial Staff.

Aniya, kung aakyat si Police Deputy Director General Danilo Constantino bilang Deputy Chief for Administration at si Chief Directorial Staff Police Deputy Director General Francisco Uyami bilang Deputy Chief for Operation, mababakante ang the Chief Directorial Staff na kwalipikado naman upang pamilian ang lahat ng 2 star general.

Sa susunod na linggo ay inaasahang mapupunan na ang bakanteng pwesto.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,