Masasaksihan sa kauna-unahan pagkakataon ang dalawang solar eclipse sa dalawang araw ng Miyerkules ng buwang ito.
Base sa ipinalabas na advisory ng State Weather Bureau, sa Marso 9, araw ng Miyerkules, ay magkakaroon ng total solar eclipse bagama’t dito sa bansa ay partial solar eclipse lang ang maoobserbahan habang sa Mindanao umano masasaksihan ang 80% solar eclipse.
Sa Marso 23, araw din ng Miyerkules, naman ay mangyayari ang penumbral lunar eclipse na magsisimula sa pagpasok ng buwan sa penumbra sa ganap na alas-5:37 ng hapon at magtatapos sa ganap na alas-9:57 ng gabi.
Sa pagitan ng dalawang astronomical events na ito ay ang vernal equinox spring.
Magaganap ito sa Marso 20 kung kailan ay magkasinghaba ang araw at gabi sa Northern at Southern Hemisphere ng mundo.
Samantala, sa Luzon ay 30-60% ang makikitang eclipse samantalang sa Visayas naman ay 60-70% eclipse obscuration o ang malilikhang lawak nang pagtatakip ng buwan sa araw.
(UNTV RADIO)