Vehicular accident sa bansa patuloy na tumataas ayon sa PNP Highway Patrol Group

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 7195

LEA_TUMAAS
Patuloy na tumataas ang aksidente sa lansangan sa bansa base sa datos ng PNP Highway Patrol Group.

Ayon kay HPG Spokesperson Police Superintendent Elizabeth Velasquez, noong 2012 nakapagtala ng 9,740 habang 12,875 naman noong 2013.

May 24% increase naman ito simula noong 2014 na nasa 15,572 at umakyat sa 24, 656 noong 2015.

Habang nasa 2,775 na noong buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.

Ayon sa tala ng HPG, pangunahing dahilan ng aksidente ay human error at kawalan ng disiplina tulad ng bad overtaking, bad turning, overspeeding, self accident, drunk driving, using cellphone while driving, hit n run at overloading.

Sinabi din ni Velasquez na bukas para sa lahat ng mga drivers ang kanilang training center.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,