2 sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Sta.Rosa, Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 2958

SHERWIN_TMBB
Isang aksidente sa motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News And Rescue Team sa barangay Caingin Sta.Rosa, Laguna alas dyes kagabi.

Nilapatan ng pangunang lunas ng grupo si Khyle Fereira, 21 anyos na nagtamo ng sugat sa tuhod ang angkas ng motorsiklo, habang nagtamo naman ng paso ng tambutso sa kaliwang binti ang driver nito na si Jerome Beato.

Ayon sa dalawa hindi nila napansin ang mataas na humps sa kalsada kaya sila natumba.

Matapos malapatan ng first aid, tumanggi nang magpadala sa ospital ang dalawa.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,