Japan’s gymnastics stars, prioridad na makakuha ng Olympic team gold

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 1045
Japanese Olympic gymnast Kohei Uchimura(REUTERS)

Japanese Olympic gymnast Kohei Uchimura(REUTERS)

Ang manalo ng team gold sa Summer Olympics at hindi ang personal na karangalan ang prayoridad ng Japanese Olympic gymnast na si Kohei Uchimura.

Ito ang pahayag ni Uchimura sa interview sa kanya habang nag-eensayo kasama ang kanyang teammates.

Malaki ang pagkakataon ni Uchimura na magwagi ng back-to-back Olympic all around title sa Rio de Janeiro sa nakalipas na apat na pung taon.

Nanalo si Uchimura ng silver medal sa all-around event sa Beijing Olympics noong 2008.

Makalipas ang apat na taon sa London Olympics ay naka-gold siya sa all around.

Aminado si Uchimura na ang China ang mahigpit nilang kalaban para sa gold gayundin ang United States at Great Britain.

Tags: ,