Dalawa sugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse sa Quezon City

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 2057

12718258_731949316905881_4496933034190412372_n
Dalawa ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse sa Scout Gandia corner Scout Ybardoloza Street sa Quezon City bandang alas otso y medya kagabi.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari binabagtas ng kotse ang Scout Gandia Street nang pagdating nito sa intersection lane ay nabangga nito ang motorsiklo na ang daan ay patungong Scout Ybardaloza Street.

Rumesponde naman ang rescuers ng Department and Public Order and Safety at isinugod sa hospital ang dalawang sakay ng motosiklo na 15 anyos at 18 anyos na kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nangako naman ang driver ng kotse na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot sa dalawang nasugatan.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,