Mga gagawing hakbang ng pamahalaan sa umano’y pagtake over ng mga Chinese vessel sa Quirino Atoll, kailangang pagaralang mabuti

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1685

a2dfe9235455a44f20ccb2facff42b7eb7085485c177c3d3c9cd4c65a2d2ba18
Kinukumpirma pa ng Department Of Foreign Affairs ang balitang pag-ukupa ng mga Chinese vessel sa Quirino o Jackson Atoll na isang lugar ng pangisdaan malapit sa Palawan.

Ang Quirino Atoll ay nasa gitna ng lawak island na sakop ng Pilipinas at Mischief Reef na inuukpahan naman ng China.

Ayon kay DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, bineperipika na ng ahensya ang ulat na pag-ukupa sa lugar.

Sinabi rin ni Jose na kailangang pag-aralan munang mabuti ng pamahalaan ang susunod na hakbang kung tutuong may mga Chinese vessel na nakahimpil sa Quirino Atoll.

Maging ang Armed Forces of the Philippines ay tumanggi munang magbigay ng pahayag hangga’t nagsasagawa pa ng beripikasyon sa panghaharang ng mga Chinese vessel sa mga Pilipinong mangingisda doon.

Samantala, sa kabila ng balitang ito, patuloy pa rin ang pagpapatrolya ng military sa West Philippine Sea.

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng West Philippine Sea batay sa kanilang nine dash line theory.

Hinihintay na lamang ng Pilipinas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa inihaing kaso laban sa China kaugnay ng pag-angkin nito sa West Philippine Sea.

Sa kabila nito naninindigan pa rin ang China na hindi nito kinikilala ang kasong isinampa ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal at sa halip ay resolbahin ang territorial dispute sa pamamagitan ng bilateral talks.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,