Sandiganbayan, sinabing maaaring i-cite in contempt ang Ombudsman dahil sa mga kulang na dokumento sa kaso ni Binay

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 2982

95d9c305b56d793e8bd9b516e950acceb74c6004415fcd629268e582692bb22f
Tetestigo sa Sandiganbayan si dismissed Makati Mayor Junjun Binay upang patunayang wala siyang basehan ang kasong graft at falsification of documents na isinampa laban sa kanya.

Ayon sa kanyang na si Atty. Claro certeza, dito mapapatunayan ng kampo ng mga Binay na pamumulitika lang at walang basehan ang kaso isinampa ng office of the ombudsman laban sa kanya.

Nahaharap ngayon si Binay sa kasong graft at falsification of public documents kaugnay ng umanoy overpriced construction ng Makati City Parking Building na umabot sa 2.2 billion pesos.

Bagaman kasama sa mga dapat kasuhan ng ombudsman, hindi pa nasampahan si Vice President Jejomar Binay dahil may immunity from suit pa ito.

Sa pagdinig kanina ng Sandiganbayan 3rd Divsion sa hiling ni Binay na madismiss ang kaso, napuna ni Associate Justice Samuel Martires na tila hindi handa ang prosekusyon sa kaso.

Ito’y dahil sa kulang na supporting document at resolusyon mula sa ombudsman.

Dahil dito sinabi ni Associate Justice Martires na maaari nilang i-cite in contempt ang ombudsman dahil sa tila hindi pagbibigay ng importansya sa korte.

Sa mosyon nila Binay, ginigiit nilang dapat nang idismiss ang kaso dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya laban sa kanila.

Kaugnay nito, binigyan ng korte ng sampung araw ang prosecution para maghain ng comment sa mosyon ni Binay, at sampung araw din ang kampo ni Binay para tumugon dito.

Matapos nito, magtatakda pa ng hearing sa abril bago magdesisyon ang korte kung may sapat na basehan para idismiss na ang kaso.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,