Dating MRT Gen. Manager Al Vitangcol, muling giniit na ibigay sa kanyang ang counter affidavit ni DOTC Sec. Abaya at iba pa.

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 6665

dating-Metro-Rail-Transit-General-Manager-Al-Vitangcol
Matagal nang humihingi si dating Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol sa Office of the Ombudsman ng kopya ng counter affidavit nina Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya at iba pa kaugnay sa umano’y maanomalyang maintenance contract ng MRT noong 2012.

Ang mga naturang dokumento ay gagamitin sa kanyang depensa sa kaso.

Ngunit hanggang ngayon ay tumatanggi ang Ombudsman sa katwirang hindi anila entitled si Vitangcol sa mga nasabing dokumento dahil immaterial naman ito sa kaso niya.

Tinawag ni Vitangcol na isang uri ng persecution ang hindi pagbibigay ng Ombudsman ng mga dokumento sakanya .

Aniya, bilang akusado may karapatan siya sa ilalim ng saligang batas na dumaan sa due process.

Nakasuhan ng graft at paglabag sa government procurement law si Vitangcol sa Sandiganbayan dahil sa kuwestiyunableng maintenance contract ng MRT noong 2012 na umano’y ibinigay niya sa kumpanyang PH Trams.

May conflict of interest ang awarding ng kontrata dahil hindi sinabi ni Vitangcol na uncle in law niya ang isa samga incorporator ng PH Trams.

Paliwanag ni Al Vitangcol III na mahalagaang counter affidavit nina DOTC Sec. Abaya at iba dahil ito aniya ang magpapawalang sala sa kanya.

Giit nito, makikita sa mga dokumento na ang DOTC ang nagpruba sa pagaaward ng maintenance contract at hindi na ito sakop ng kanyang trabaho bilang general manager ng MRT.

(Joyce Balancio/UNTV NEWS)

Tags: , ,