Motorsiklo na carnapped sa Sta.Mesa, Manila, pagtangay sa motor nakuha sa CCTV camera

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1250

BENEDICT_CARNAP
Humingi ng tulong kagabi sa Manila Police District Anti-Carnapping Unit si Lanie matapos na manakaw ang kanyang motorsiklo na ginagamit niya sa paghahanap buhay.

Ayon sa biktima, pasado alas onse ng umaga kahapon ipinarada niya ang motor sa harap ng isang school sa 2nd street Sta. Mesa Manila upang dalhan ng pagkain ang anak niya.

Subalit paglabas niya ay wala na ang motorsiklo sa parking area.

Nakuhanan naman ng Closed Circuit Television o CCTV camera ng Barangay 613 sa Sta.Mesa ang pagtangay ng motorsiklo ng isang lalaki at kasunod ang isang nakamotor na umano’y kasabwat sa krimen.

Pinoproblema ni Lanie ngayon kung pano niya tatapusin ang mahigit dalawang taon pang paghuhulog ng bayad sa motor na malaking tulong sa kanyang paghahanap buhay.

Sino mang may impormasyon o makakita sa motorsiklo na Yamaha Mio Sporty na may plate number NE70895 at maaring ireport sa MPD Anti-Carnapping Section hotline 5237352.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,