Magsasagawa ng apat na buwang nationawide job fair ang Department of Labor and Employment o DOLE simula ngayong Marso.
Ayon sa DOLE, ito ay upang mabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho kaagad ang mga bagong graduate ngayong taon.
Sa mga interesadong aplikante, magdala lamang magdala ng resume o curriculum vitae, 2×2 ID pictures, Certificate of Employment para sa mga dati ng nagtatrabaho, diploma o transcript of records at authenticated birth certificates.
Para malaman ang schedule ng job fair sa inyong lugar at iba pang impormasyon magtungo lamang sa website ng DOLE phil-jobnet.dole.gov.ph o bumisita sa DOLE o Public Employment Service Office na pinakamalapit sa inyong lugar.
(UNTV NEWS)
Tags: Department of Labor and Employment, nationwide job fair