Lumabag sa COMELEC gun ban, umabot na sa mahigit 1,000

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 1396

COMELEC-gun-ban
Umabot na sa 1,561 ang naitalang lumabag sa COMELEC gun ban.

Ayon sa Philippine National Police, umaabot na sa 1,501 ang mga sibilyang naaresto simula nang ipatupad ang election period noong Enero 10.

Bukod pa ito sa 15 government officials, 11 pulis, 6 na sundalo, 20 security guards, 1 bumbero, 2 miyembro ng CAFGU at 5 tauhan ng iba pang law enforcement agencies.

Nasa mahigit 1,000 armas at halos 15,000 deadly weapons ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang checkpoints.

Tiniyak naman ng PNP na higit pang palalakasin ang kanilang checkpoints at kampanya kontra loose firearms habang papalapit ang eleksyon sa Mayo 9.

(UNTV RADIO)

Tags: