Paglahok ng mga professional boxer sa Olympics, pinag-aaralan na ng boxing body

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 1072

professional-boxer
Iniulat ng British media na pinag-aaralan nang International Boxing Association o IBA na isama na ang professional boxers sa Summer Olympics.

Kung matutuloy maari namuling lumahok sa Olympiada ang mga boxing icon tulad nina Manny Pacquiao at retirado ng si Floyd Mayweather Junior.

Noong 1996 Atlanta Olympics, nanalo ng bronse medal si Mayweather.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo ng IBA na si Wu Ching-Kou sa isang pulong sa Manchester, England.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,