Sen Juan Ponce-Enrile hindi dadalo sa EDSA People Power Anniversary bukas

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 6298

JPE
Hindi dadalo si Sen. Juan Ponce Enrile sa pagdiriwang EDSA People Power Revolution bukas.

Ayon sa dating defense minister, ang tunay na EDSA People Power ay nangyari noong February 22, 1986 na siyang araw na nagsimula ang demonstrasyon nila laban sa rehimeng Marcos.

Para sa senador ang February 25 ay araw kung saan nagpapahinga na sila.

Ayon kay Enrile ang diwa ng EDSA ay nauwi sa bula sa pagpasok ng sumunod na administrasyon.

Sa kabila nito,nangako ang beteranong senador na ipagpapatuloy nito ang kanilang malasakit sa bansa.

Kasama ni Enrile sa kudeta laban kay Presidente Marcos ang nooy si Lt Col. Gregorio Honasan na nanguna sa reform the armed forces movement.

Para kay Honasan, sa pamamagitan ng EDSA People Power, napatunayan na ang pagbabago ay magagawa kung nagsasama-sama, ngunit hindi ito magagawa sa sandaling panahon lamang.

Inaasahan naman ni Sen. Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuhay sa isyu sa martial law, ngunit ayon ng senador, ayaw na niyang magpahayag pa ukol sa mga pangyayari noon.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: ,