18 patay sa bumagsak na crane sa isang domitoryo sa China

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 2230
Bumagsak na crane sa isang domitoryo sa China(REUTERS)
Bumagsak na crane sa isang domitoryo sa China(REUTERS)

Pumalo na sa labing walo ang bilang ng nasawi matapos bumagsak ang isang construction crane sa dormitory ng mga construction worker kahapon sa Guangdong, China.

Ayon sa mga opisyal walongpu’t walong ang nakaligtas sa insidente habang labinglima naman ang nagtamo ng minor injuries.

Labing walo ang kasalukuyang nasa ospital.

Ang malakas na hangin ang dahilan kaya nahulog ang crane.

Patuloy parin na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi insidente.

Tags: , , ,