18 pang estudyanteng biktima ng trahedya sa Tanay, Rizal, nasa Amang Rodriguez Hospital pa

by Radyo La Verdad | February 22, 2017 (Wednesday) | 3743


Sa pinakahuling bulletin ng Amang Rodriguez Hospital kaninang alas-8 ng umaga.

Ipinahayag ni Dr. Farrah Mae Salvani, Assistant ER Head ng ospital na labingwalo pa ang hanggang ngayon ay nasa pangangalaga ng ospital.

Pinakuling na-admit ay kaninang alas-siyete ng umaga.

Apat sa kanila ang sumailalim sa operasyon, dalawa ang naoperahan sa atay, isa ang nilagyan ng tubo sa baga at isa ang pinakamaselan na may tama sa ulo.

Ayon sa ospital, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kaanak sa kanila kaugnay ng kalagayan ng mga pasyente.

Tags: , , , , ,