Senate hearing sa sitwasyon ng suplay ng bigas at smuggling sa bansa, isasagawa ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 4238

SENATEPLENARY
Isasagawa ngayong araw ang pagdinig ng Senado kaugnay sa sitwasyon ng suplay ng bigas at smuggling sa bansa.

Pangungunahan ang pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food.

Dito ay aalamin ang mga isyu at progreso sa implementasyon ng committee report number 763 noong 15th congress.

Ang nasabing report ay ukol sa rice smuggling sa Subic Bay Free Port Zone at Port of Legazpi, Albay gayundin sa nfa-private sector financed importation program.

Dito inirekomenda ng komite na kailangang maging transparent ang importation process sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access ng publiko sa importation documents ng mga shipment bago makarating sa Philippine ports.

Tags: , , ,