Isang matandang lalaki tinulungan ng UNTV News and Rescue sa Libmanan, Camarines Sur

by Radyo La Verdad | February 16, 2016 (Tuesday) | 1190

ALLAN_TMBB2
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang matandang lalaki na nasugatan matapos tumama ang kaliwang braso nito sa makinang ginagamit sa pagmomolino ng palay sa Libmanan, Camarines Sur.

Agad na tinungo ng grupo ang bahay ni Mang Bernardo Parma, 63 anyos ng Brgy. Tinanquihan, Libmanan, Camarines Sur matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concern citizen.

Daglian din nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugat ng biktima at saka isinugod sa Bicol Mdical Center ang pasyente upang mabigyan ang anti tetanus vaccine.

Laking pasalamat naman ni Mang Bernardo sa ginawang tulong ng grupo sa kanya.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,