49 patay sa riot sa kulungan sa Mexico

by Radyo La Verdad | February 12, 2016 (Friday) | 1183
Topo Chico Jail(REUTERS)

Topo Chico Jail(REUTERS)

Apatnapu’t siyam ang nasawi sa riot sa isang kulungan sa Monterrey, Northern Mexico.

Ayon sa State Governor ng Nuevo Leon labing dalawang iba pa ang nasugatan sa Topo Chico Jail sa sagupaan ng magkaribal na pangkat ng mga preso na mga drug cartel.

Ayon sa mga otoridad, kontrolado na ang sitwasyon at walang inmates na nakatakas.

Samantala, umapela naman ang mga pamilya ng mga inmates na ipabatid sa kanila ang kalagayan ng kanilang mga kaanak na sangkot sa riot.

Tags: , ,