Lalaki patay matapos makuryente sa Quezon City

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 2166

12654597_723305031103643_4776339472819268867_n
Isang lalaki ang dead on the spot matapos makuryente sa poste ng MERALCO sa Biak na Bato Road Barangay Manresa sa Quezon City pasado ala una ng madaling araw.

Nakabitin pa sa kable ng kuryente ng datnan ng mga pulis ang biktima na si Sylvino Ong alyas “Ungo”, 40 anyos na residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P03 Luis Antonio De Guzman ng Quezon City Police Station 1, posibleng umakyat ang lalaki sa poste ng ilaw para magkabit ng illegal na koneksyon ng kuryente o jumper dahil may dala pa itong patalim na ginagamit sa pagputol ng kable.

Pagkatapos ng mahigit isang oras nakuha na ng mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Management ang katawan ng biktima at dinala na ito sa punerarya.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,