17 plastic bag ng suspected shabu, natagpuan sa loob ng kotse sa Escolta, Manila

by Radyo La Verdad | January 30, 2017 (Monday) | 1385


Labing pitong plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang maleta ang nadiskubre ng mga otoridad sa isang abandonadong kotse sa Maynila bandang alas dies kagabi.

Ayon sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation nakatanggap sila ng impormasyon na may ipinupuslit ng iligal na droga gamit ang naturang sasakyan kayat sinundan nila ito kahapon.

Ngunit dahil sa mabigat na trapiko ay hindi nila naabutan ang sasakyan.

Ngunit makalipas ang ilang oras, natagpuan nila ang sasakyan na inabandona sa Escolta, Manila.

Isasailalim na ng NBI ang mga iligal na droga sa chemical testing.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,