Nasawi ang labing pitong sundalo nang bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter sa Caldas, Colombia.
Ayon sa mga otoridad patungo sana ang Russian made MI-17 helicopter sa kanilang military base sa Tolemaida ng mangyari ang insidente.
Posibleng umano na ang masamang lagay ng panahon ang sanhi ng helicopter crash ngunit nagpapatuloy parin ang kanilang imbestigasyon
Nagpaabot na ng pakikiramay si Colombian President Juan Manuel Santos sa mga pamilya ng nasawing sundalo.
(UNTV RADIO)
Tags: Colombia, helicopter