17 impounded na sasakyan sa LTFRB, inilipat na sa Tarlac

by Radyo La Verdad | August 11, 2016 (Thursday) | 2713

VICTOR_INIMPOUND
Sunod-sunod na dumating dito sa impounding area ng Land Transportation Office dito sa Tarlac ang labing pitong sasakyan na nakaimpound sa main office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Quezon City.

Ayon sa LTFRB dito na rin dadalhin ang natitira pang labing dalawang unit na naka-impound sa kanilang opisina.

Ang mga impounded motor vehicle ay nahuli lamang ngayong buwan ng Agosto.

Colorum ang karamihang violation ng mga sasakyan.

Ito na ang pangatlong batch ng sasakyan na dinala dito sa Tarlac.

Ang unang dalawang batch ng mga sasakyan ay mula naman sa Land Transportation Office o LTO.

Nasa 34 na ang kabuoang bilang ng unit na dinala dito sa Tarlac mula lamang nitong Lunes.

Tiniyak naman ng LTO na mapapangalagaan ang mga sasakyan sa lugar.

Patuloy na nanawagan ang Land Transportation Office sa mga motorista na ugaliin ang pagsunod sa batas trapiko upang hindi mahuli at lumaki ang perwisyong dulot nito sa kanila.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Tags: ,