17 Chinese illegal Pogo workers, ipina-deport

by Radyo La Verdad | November 17, 2022 (Thursday) | 298

Labing pitong Chinese illegal Pogo workers ang ipina-deport kahapon, ayon sa Department of Justice.

Sila ang ikatlong batch ng mga Chinese nationals na ipina-deport dahil sa pagkakasangkot sa illegal Pogo.

Otomatikong inilagay sa blacklist ng Bureau of Immigration ang mga ipina-deport.

Bahagi sila ng mahigit tatlong daang mga dayuhan na-aresto dahil sa iligal na online gambling.

Dante Amante | UNTV news