Mga illegal poster at campaign materials, sinimulan na ring baklasin ng MMDA

by Radyo La Verdad | February 10, 2016 (Wednesday) | 2066

OPLAN-BAKLAS
Binaklas na ng Metropolitan Manila Development Authority ang lahat ng mga poster at campaign material na wala sa mga poster area na itinalaga ng Commission on Elections

Inotorisang COMELEC ang MMDA at Department of Public Works and Highways na tanggalin ang mga poster, streamer at tarpaulin ng mga kandidato na nasa puno, poste ng kuryente, traffic lights, mga kable ng kuryente, pader at waiting sheds.

Naglabas ang COMELEC ng listahan ng mga lugar kung saan dapat maglagay ng mga campaign poster

Hindi naman kasama sa binabaklas ang mga poster na nasa mga pribadong lugar

Ngayon lunes ang opisyal na campaign period sa lahat ng mga kakandidatong Presidente, Bise Presidente, Senador at Party list at sa March 26 pa ang mga Congressmen at ibang lokal na posisyon

Ngayon pa lamang ay marami ng mga tarpaulin at poster ng mga kandidato sa local na posisyon ang nabaklas ng MMDA.

Pinapakuhaan ng litrato ng MMDA ang mga poster na binabaklas upang magkaroon sila ng record, isa-submit nila ito sa COMELEC upang masampahan ng kaso ang mga nakalabag na pulitiko

Noong nakaraang halalan ay dalawampu’t dalawang dump truck na puno ng mga campaign material ang naalis ng MMDA

Lahat ng mga poster at tarpaulin na maiipon ay ibibigay sa mga institusyon upang mapagkakitahan.

Araw-araw ay iikot ang oplan baklas team ng MMDA sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila hanggang sa matapos ang campaign period sa May 7.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,