Pagpasa sa Senado ng batas upang isulong ang farm tourism sa bansa, ikinatuwa ng mga farm owner

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 1662

BRYAN_SENATE
Bagamat hindi personal na nakarating si Senator Cynthia Villar sa isang theme farm sa Mendez, Cavite upang makiisa sa pagdiriwang ng vegetable week.

Ikinatuwa naman ng mga theme farm owner ang mensahe na ipinaabot ng senadora tungkol sa pagpasa sa Kongreso ng panukalang batas na nagsusulong ng farm tourism sa bansa.

Ang Senate Bill 2766 o Farm Tourism Act of 2015 ay naglalayong magtayo ng komprehensibong programa para sa pagpapa-unlad at pagtataguyod ng farm tourism.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, lahat ng accredited farm tourism professionals at operators ay maaaring makakuha ng incentives at tax exemptions base na rin sa umiiral na batas.

Ayon kay Senator Villar umaasa siya bilang author at sponsor ng panukalang batas na pipirmahan ito ng Pangulong Aquino.
Nais namang hilingin ng ilang nasa Agriculture Sector sa mahahalal na pangulo sa nalalapit na National elections na mas pagtuunan ng pansin ang agrikultura sa bansa.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,