Sampu sugatan sa pagbangga ng isang pampasaherong jeep sa poste ng gasolinahan sa Mandaluyong City

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 2532

REYNANTE_BUMANGGA
Isang pampasaherong jeep ang bumangga sa poste ng gasolinahan sa Shaw Boulevard Barangay Silang, Mandaluyong City bandang alas onse kagabi.

Hindi bababa sa sampung pasahero ang nasugatan na pawang isinugod sa Mandaluyong Medical Center.

Ayon sa ilang nakasaksi sa pangyayari matulin ang takbo ng jeep bago ito bumangga.

Sa pahayag naman ng driver ng jeep na si Foxley Dayag hindi niya na makontrol ang kanyang pagmamaneho matapos pumutok umano ang gulong sa kanang unahan ng kanyang sasakyan.

Dagdag pa niya nachecheck niya naman ang kanyang jeep bago ito magbiyahe.

Sa ngayong ay iniimbestigahan na ng Mandaluyong Traffic Bureau ang driver ng jeep na posibleng maharap sa mga patong-patong na kaso.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,