Ilalagay sa code white alert ang labing anim na pampublikong
ospital Metro Manila sa Huwebes kaugnay ng magaganap na traslacion.
Ito ay upang matiyak na handa ang naturang mga pagamutan sakaling may
mangyaring emergency situation sa taunang prusisyon.
Labingapat na health response teams din ang idedeploy ng Department of Health
sa mga strategic location sa ruta ng traslacion.
Payo naman ng DOH sa mga sasama sa prusisyon magsuot ng kumportableng damit,
magdala ng panangga sa init o ulan, magbaon ng pagkain at tubig upang maiwasan
ang dehydration.
Payo naman ng mga otoridad iwasan din ang pagsusuot ng alahas at pagdadala ng
mamahaling gadget.
Tags: manila, Traslacion