Bumagsak ang kisame ng Sweet Ideas Restaurant sa NAIA Terminal 3 alas siete ng umaga kahapon
Wala namang nasaktan sa pangyayari maliban sa isang pasahero na bahagyang nagasgasan
Nabigyan naman agad ng atensying medikal ang naturang pasahero
Batay sa inisyal na imbestigasyon, mahinang klase ng materyales ang ginamit sa kisame ng restaurant.
Ayon sa Manila International Airport Authority, ang mga commercial space sa loob ng airport ay sagutin ng nagungupahan
Papatawan ng multa ang tenant kapag napatunayan na substandard ang kanilang construction plan
Mananatiling sarado ang restaurant habang hindi natatapos ang imbestigasyon at renovation sa lugar.
(Mon Jocson/UNTV News)
Tags: Kisame, Manila International Airport Authority, Sweet Ideas Restaurant
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com