Bilang ng mga naarestong drug offenders, tumaas noong 2015 – PDEA

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 1035

pdea-facade
Tumaas ang bilang ng mga drug offenders na nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency noong nakalipas na taon.

Ayon sa PDEA, umabot sa mahigit labing siyam na libo ang naarestong drug personalities noong taon 2015 na mas mataas kumpara sa mahigit labing tatlong libo noong 2014.

Ilan sa mga nahuling high value targets – ay mga foreign nationals; government employees; elected officials; law enforcers; lider at miyebro ng mga drug group; mga miyembro ng armed group; mga target listed na suspect; at mga nasa wanted list.

Tiniyak naman ng pdea na mas paiigtingin pa nito ang paghuli sa mga drug offenders at pagsugpo sa problema ng illegal drug trade sa bansa.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,