2 sugatan sa banggaan ng motorsiklo at 18-wheeled truck sa Commonwealth Avenue

by Radyo La Verdad | January 27, 2016 (Wednesday) | 2533

REYNANTE_VEHICULAR-ACCIDENT
Dalawa ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at 18-wheeled truck sa Commonwealth Avenue pasado alas tres ng madaling araw.

Nagtamo ng malubhang sugat sa mukha ang driver ng motor habang galos naman sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nakuha ng lalaking angkas nito

Ayon sa nakakita sa pangyayari matulin kapwa tinatahak ng dalawang sasakyan ang northbound ng Commonwealth Ave.

Mabilis umano ang takbo ng motor na nag-overtake sa isang sasakyan, ngunit di nito napansin ang 18-wheeled truck na liliko sana sa u-turn slot kaya sumalpok dito ang motor.

Sa lakas ng impact tumilapon ang sakay ng motorsiklo.

Sa kwento ng driver ng truck na si Edwin Ocampo hindi niya nakita ang nakamotor at nagulat na lang ito sa pagkalabog ng truck.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng QC Traffic Sector 5 ang pangyayari habang ginagamot pa ang mga biktima sa East Avenue Medical Center.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,