Isang mini carinderia at guard house ang naabo matapos sumiklab ang sunog sa G.Roxas, barangay manresa sa Quezon City alas dos ng madaling araw.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito naapula ng mga bombero.
Wala namang napaulat na nasugatan o nasawi sa insidente.
Tinatayang nasa 30 libong piso ang natupok na mga ari-arian.
Ayon sa security guard na si Juditho Himagan habang nasa loob siya ng guard house ay napansin niya na lang na umaapoy na ang katabi nitong mini carinderia.
Agad siyang lumabas para humingi ng tulong.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog.
(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)
Tags: guard house, Mini carinderia, nasunog, Quezon City