Motorcycle rider na nabangga ng tricycle sa Balagtas Bulacan, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 1250

TMBB-BULACAN
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang motorcycle rider na nabangga ng pampaseherong tricycle sa Barangay Burol First Balagtas Bulacan noong biyernes ng gabi.

Napinsala ang kanang tuhod at gasgas rin ang kanang braso ng motorcycle rider na si Elissa Casquejo, 45-anyos, ng barangay Turo Bocaue
Bulacan.

Agad namang nilapatan ng pang lunas ng UNTV Rescue ang mga tinamong sugat ni Elissa at saka inihatid sa Bulacan Medical Center.

Sumama naman ang trycicle driver na kinilalang si Romy Lumanggaya sa paghahatid sa hospital.

Kwento ng saksi na si Josepine Ranioco, nawalan ng kontrol sa manibela ang tricycle driver, kaya nabangga nito ang motorsiklo na minamaneho ni Elissa.

“Yung tricycle nakasignal sya ng kanan, ngayon ang ginawa noong nakaputing motor, kumaliwa nung kumaliwa sya kumaliwa rin yung tricycle, kaya tinamaan nya yung gilid ng tricycle.”
pahayag ni Josephine

Nangako naman Romy na sasagutin ang pagapapagamot sa biktima.

(Nestor Torres/UNTV News)

Tags: ,