Pansamantalang isasara ng Ninoy Aquino International Airport ang mga runway nito bukas, ika-26 ng Enero at sa Linggo, ika-31 ng Enero.
Ito’y upang bigyang daan ang arrival at departure ng Emperor at Empress ng Japan na magsasagawa ng state visit sa bansa.
Isasara ang runway dakong alas-dos y medya hanggang alas-tres y medya ng hapon sa Martes at alas-onse ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali sa Linggo.
Kasabay ng state visit ang ika-anim na pung anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan.