Aminado ang Department of Education Region Five na wala pa silang natatanggap na pondo upang magamit sa pagsasaayos o di kaya naman ay pagtatayo ng mga bagong classroom kapalit ng mga nasira sa pananalasa ng bagyong nona noong nakaraang taon.
Sa tala ng Deped Region 5, mahigit dalawang libong mga classroom ang nasira sa buong rehiyon dahil sa bagyong Nona.
Pitong daan sa mga ito ang totally damaged, one thousand one hundred thirty two naman ang nagtamo ng major damage habang mahigit isanlibo at pitongdaan ang bahagya lamang napinsala.
Sa pagtaya ng Deped, kinakailangan ng mahigit twenty six million pesos upang maisaayos ang mga nasirang paaralan.
Dahil dito apektado ang klase ng mga estudyante dahil wala silang magamit na silid aralan.
Kaya naman magtatayo ng mga temporary learning space ang Deped sa mga apektadong paaralan upang magamit ng mga mag-aaral.
Ang Temporary Learning School na itatayo ay yari sa coco lumber, plywood at yero.
Planong simulan ng kagawaran ang pagtatayo sa mga TLS sa buwan ng Pebrero.
Target na matapos ang konstruksyon ng mga ito sa bago matapos school year 2016.
Nananawagan naman ng tulong ang Deped sa mga maaring maka-pagdonate ng mga gamit upang maitayo ang mga temporary learning space na makipag-ugnayan sa kanilang opisina.
(Allan Manansala / UNTV Correspondent)
Tags: Bagyong Nona, DepEd, Mga paaralan, Region 5, temporary learning spaces