Muling nagbigay ng royal clemency si Emir Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani ngayong okasyon Ramadan dito sa bansang Qatar.
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Qatar Wilfredo Santos na may 15 Filipino kabilang na ang isang Pinay ang mapalad na nakasama sa napagkalooban ng royal clemency ng hari ng Qatar ngayong okasyon ng Ramadan.
Karaniwan ng nagbibigay ng kapatawaran ang hari ng Qatar sa mga nakakulong dalawang beses sa isang taon, ito ay sa okasyon ng ramadan at pagdiriwang ng National day tuwing December 18.
Nakikipag ugnayan na rin ang embahada sa search and follow up Department ng Ministry of Interior ng Qatar upang mapadali ang pagpapauwi sa mga napatawad na OFW.
(Ramil Ramal / UNTV Correspondent)
Tags: 15 Filipino kabilang ang isang Pinay, royal clemency ng hari ng Qatar