44 na bayan sa Eastern Visayas, idineklarang areas of concern ng COMELEC at PNP

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 3074

JENELYN_Velarmino
Idineklara ng COMELEC, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines bilang areas of concern ang apatnaput apat na bayan sa Eastern Visayas kaugnay ng nalalapit na National elections.

Pinakamaraming naitala na areas of concern sa Samar Province, sinundan ito ng Leyte, Northern Samar, Eastern Samar at Biliran.

Hindi naman kasama sa listahan ng mga isinailalim sa areas of concern ang lalawigan ng Southern Leyte dahil walang naitatalang election related incident sa probinsya noong nakaraang 2013 elections.

Ayon kay Major General Jet Velarmino ng 8-infantry division Philippine Army, kung kinakailangang mag deploy ng maraming sundalo sa Samar bilang augmentation nila sa PNP ay gagawin aniya nila upang matiyak na magkaroon ng mapayapang halalan.

Una nang nagpadala noong disyembre si PNP Director General Ricardo Marquez ng 88-SAF Personnel sa probinsya, at nangakong magdadagdag pa ng ilang police personnel upang maiwasan na ang naitatalang patayan sa lugar na may kinalaman sa eleksyon.

Dagdag pa nito, may ideneploy narin silang mga sundalo bilang dagdag pwersa sa mga inilagay na checkpoints ng PNP sa buong rehiyon.

Una nang idineklara ang Samar na kabilang sa anim na election hotspot sa bansa.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,