Mga tauhan ng PNP Anti-Illegal Drugs Group, sumailalim sa drug-testing

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 3836

JOAN_SUMAILALIM
Nagsagawa ngayong araw ng sorpresang drug testing sa mga tauhan ng Philippine National Police o PNP Anti-Illegal Drugs Group.

Ang mga urine sample na kinuha sa kanila ay susuriin sa pamamagitan ng confirmatory test sa PNP laboratory.

Ang sinomang miyembro ng pnp-aidg na mapapatunayang gumagamit ng droga ay aalisin sa serbisyo.

Sinabi pa ng PNP-AIDG, hindi nito kukunsintihin ang sinomang pulis na makikipagsabwatan at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Tags: , ,