Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Bataan

by Radyo La Verdad | January 1, 2016 (Friday) | 2235

alfred_tmbb
Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang mga sugatan bunsod ng magkahiwalay na aksidente sa bayan ng Abucay at Limay kaninang bago magpalit ng taon.

Isang lalake ang sugatan nang bumaliktad sa kanyang minamanehong motorsiklo sa bayan ng Abucay bandang alas onse kanina.

Kinilala ang sugatan na si Reynaldo Manzanares. Ayon sa mga nakakita pauwi na ang biktima sakay ng pasuray suray na motorsiklo nang bigla na lang itong natumba.

Nilapatan ng first aid sa kaliwang tuhod at dalawang kamay ang biktima at isinugod agad sa Bataan General Hospital.

Samantala, sa bayan ng Limay ay tinulungan naman ang isa sa biktima sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa lugar.

Binigyan ng paunang lunas si Serio Carig 29 anyos sa kanyang sugat sa tuhod at ulo.

Matapos malapatan ang kanyang mga sugat ay agad isinugod sa Isaac and Catalina Medical Center o ICMC sa Balanga City.

Samantala ang isa naman sugatan na si Ian De Leon ay tinulungan ng Limay rescue at dinala sa Bataan General Hospital.

Dead on spot naman ang isa pang biktima na kinilalang si Noel De Leon, taga Townsite, Limay bandang alas onse y media ng gabi.

(Alfred Ocampo / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,