Mga paratang na planong pag-iwan kay Sen. Grace Poe, walang basehan ayon kay Sen. Francis Escudero

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 2478

CHIZ-ESCUDERO
Binatikos ng isang grupo na nagpakilalang tagasuporta ni Sen. Grace Poe ang katandem nito na si Sen. Chiz Escudero dahil sa umano’y pag-abandona nito sa senadora.

Ayon sa grupong Philippine Crusaders for Justice, hindi na nagpapakita sa mga pulong ng galing at puso team si Escudero.

Hindi na rin umano nakikitang sinasamahan ni Escudero ang senadora sa pag-iikot nito.

Sa pahayag naman ni Senator Escudero na nasa ibang bansa sa kasalukuyan, hindi dapat paniwalaan ang walang basehang alegasyon

Ayon kay Escudero, dapat na tutukan na lamang ang tunay issue at ito ay ang karapatan ni senator poe na isang foundling na makatakbo bilang pangulo ng bansa sa 2016 elections.

Umaasa si Senador Escudero na mareresolba ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng kampo ni Senador Poe upang mas makapaghanda na sila sa nalalapit na kampanya sa susunod na taon

Tiwala rin itong mananaig ang katotohanan sa nasabing isyu.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,