Freedom voyage patungong Pag-asa Island ng ilang kabataan, natuloy na matapos maantala ng mahigit 2 linggo

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 4606

freedom-voyage
Natuloy na ang freedom voyage ng mga kabataang miyembro ng kalayaan atin ito movement sa Pag-asa Island.

Dumating ang apatnapu’tpitong mga kabataan sa isla ng Pag-asa noong Sabado.

Layunin ng mga kabataan na ipakita ang kanilang pagtutol sa ginagawang pag-angkin ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa pangunguna ni Former Marine Captain Nicanor Faeldon ay sinimulan ng grupo ang kanilang freedom voyage patungong Mabini o Johnson Reef noong Huwebes ng gabi.

Sa mga larawan at video na ini-upload ng grupo sa kanilang official facebook page ay makikita ang patunay na nasa Pag-asa Island na sila.

Tatagal ang grupo sa isla hanggang December 30.

Samantala,imo-monitor ng AFP ang mga kabataan upang masiguro ang kanilang kaligtasan habang nasa Pag-asa island.

Tags: , , , ,