Binaybay ng isang Southwest Airlines ang taxiway at sumadsad sa damuhan matapos na maglanding kagabi sa Nashville International Airport.
Ayon sa Southwest Airlines Company patungo na sa gate ang Southwest Airlines Flight 31 lulan ang 133 pasahero at limang crew ng lumabas ito sa taxiway.
Lahat ng mga pasahero ay ligtas na na-evacuate mula sa eroplano at dinala sa terminal liban lamang sa tatlo na nagtamo ng minor injuries.
Iniimbestigahan na ng Federal Aviation Administration ang insidente.
Tags: 3 pasahero sugatan, Nashville International Airport, Passenger plane
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com