Nakakuha ng quorum ang mababang kapulungan ng kongreso ngayong lunes dahil pagtakapos ng roll call umabot sa 191 ang mga kongresistang present sa sesyon, dahil dito agad nang ipinagpatuloy ng kamara ang debate sa BBL.
Mag-alas-6 na ng gabi nang makapagsimula ang kamara na talagakayin aang BBL, unang sumalang si Zamboanga del Sur Rep. Victor Yu habang sinasagot naman ni AD HOC Committee Chair Rufus Rodriguez ang mga kuwestiyon ng kongresista.
Tinatalakay ng mga kongresista ang isyu ng mga lugar na maaaring masama sa bubuohin Bangsamoro Autonomous Region.
Base sa rules, hindi limitado ang oras ng mga kongresistang nais kumuwestiyon sa BBL at mayroon pang 18 kongresista ang nasa listahan na nakatakdang magtanong sa nilalaman ng panukalag batas.
Una nang sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na plano na nilang i-terminate o itigil na ang period of interpellation and debate sa BBL at ituloy na ito sa period of amendments.
Dito tiyak na mas gugugol ng mahabang debate, diskusyon at panahon ang kamara.
Sinabi rin ni Belmonte na mayroon na silang 50 amendments na nais isulong mula sa orihinal na bersyon ng BBL.
Una nang nagpahayag ng pagtulong ang ilang kogresista na ipasa ang BBL sa kasalukuyang kongreso.
Ayon kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, dapat ipaubaya nalang sa susunod na administrasyon ang BBL upang mas matutukan at mapagaralan at bawat bersyon nito.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang debate ng mga kongresista sa BBL, nakaantabay rin tayo ngayon kung rartipikahan na rin ng kamara ang 2016 Proposed National Budget na katatapos lamang ratipikahan ng Senado.
(Grace Casin/UNTV News)
Tags: AD HOC Committee Chair Rufus Rodriguez, Bangsamoro Autonomous Region, BBL, Zamboanga del Sur Rep. Victor Yu
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com