11am to 11pm mall hours, sisimulang ipatupad sa October 16 – MMDA

by Radyo La Verdad | October 9, 2017 (Monday) | 2684


Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority na ipatupad sa October 16, araw ng Lunes ang bagong oras ng operasyon sa mga mall sa Metro Manila.

Una nang inianusyo ng MMDA na sisimulan ang 11-am to 11-pm na mall hours sa October 15.

Subalit dahil papatak ito sa araw ng Linggo, nagdesisyon ang MMDA na ilipat na lamang ito ng October 16.

Layon ng nasabing adjustment sa mall operations na maibsan ang inaasahang lalo pang pagbigat ng trapiko ngayong holiday season dahil sa pagdagsa ng ating mga kababayan na magpupuntahan sa mga mall.

 

Tags: , ,