Mga nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Tarlac, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | December 8, 2015 (Tuesday) | 2142

TMBB-TARLAC
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team Tarlac ang isang lalake na naaksidente sa Barangay Tibag Tarlac City pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Agad binigyan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima na kinilalang si Omar Avellera Jr. 17 yrs old at residente ng Nagceryalan West sa bayan ng Camilling na nagtamo ng multiple abrassion sa iba’t ibang bahagi ng katawan

Matapos lapatan ng paunang lunas, dinala ng grupo sa Tarlac Provincial Hospital ang biktima

Ayon kay Avellera binabagtas niya ang kahabaan ng Romulo Boulevard ng may masagasaang bato dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa manibela

Samantala pasado ala-sais naman ng gabi ay nirespondehan din ng UNTV News and Rescue Team ang bangaan ng motor at bisikleta sa barangay San Rafael Tarlac.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis nagcounter flow ang motorsiklo kaya nabanga nito ang kasalubong na nagbibisikleta.

Wala namang tinamong pinsala ang sakay ng bisikleta na si Swayne Jansen Sio 17 anyos na mabilis na nakatalon sa bisikleta bago binagga ng motorsiklo.

Matapos makuhanan ng vital signs at initial assessment, tumanggi ng magpahatid sa ospital ang driver ng motor na nagtamo lamang ng sugat sa kamay. (Bryan Lacanlale/UNTV News)

Tags: