Palasyo, nagpaabot ng pagbati kay Angelia Ong matapos ang pagkapanalo nito bilang Ms. Earth 2015

by Radyo La Verdad | December 7, 2015 (Monday) | 1181

ANGELIA-ONG
Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa pambato ng Pilipinas na si Angelia Ong matapos nitong masungkit ang korona bilang Ms. Earth 2015.

Tinalo ni Ong ang 85 iba pang kalahok sa ginanap na coronation night sa Vienna, Austria nitong Sabado ng gabi (Linggo sa Pilipinas).

Ayon sa malakanyang, ang pagkapanalo ni Ong ang muling nagpatunay sa ganda, talino at husay ng mga Filipina pagdating sa pandaigdigang kompetisyon.

Tinanghal naman bilang Miss Earth Fire si Thiessa Sickert ng Brazil, Miss Earth Water si Brittany Payne ng USA at Miss Earth Air si Dayanna Grageda ng Australia.

Si Ong ay marketing management student sa La Salle-Saint Benilde sa Maynila.

Ito na ang pangatlong Miss Earth crown ng Pilipinas- una ay kay Karla Henry noong 2008, at ikalawa ay sa pamamagitan ni Jamie Herrell noong nakaraang taon.

Tags: ,