Walang nagbago ng pananaw sa mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal matapos ang pagtalakay sa Motion for Reconsideration ni Rizalito David sa citizenship issue.
Nanatiling 5-4 ang boto ng SET kung saan naninindigan sina Senador Loren Legarda, Cynthia Villar, Pia Cayetano, Bam Aquino at Tito Sotto na natural born filipino si Poe.
Habang tutol pa rin ang tatlong Associate Justices na sina SET Chairman Antonio Carpio, Justice Teresita Leonardo-de Castro, Justice Arturo Brion at Senador Nancy Binay.
Dahil dito dudulog na sa susunod na linggo ang kampo ni Rizalito David sa Korte Suprema.
Samantala, nagkaroon ng press conference si Poe ngayong huwebes kasama ang kanyang abugado na si Atty George Erwin Garcia kung saan iprinisinta nila ang mga ebidensya na isinumite sa Comelec na hindi pinansin ng 2nd Division ng Comelec.
Sinagot rin ni Senador Poe ang tanong kung bakit hindi pa binago o inayos noon pa ang kanyang certificate of candidacy noong 2013 elections..
“Kasi hindi rin namin napansin hanggat nagkaroon na nga ng pagtanong tungkol dito so sabi ko eh kasi nung tinatanong na nga ako ng mga abugado nangaakoditosasenadobakityunangnalagaykasi ng panahonnaiyo, yun ang iniisip ko na umuwi na dito yung asawa ko at from the time na ng filing ng October hindi ng May.” paliwanag ng senadora.
Dagdag pa ng kampo ni Poe, hindi man pumabor sa kanila ang komisyon, may Korte Suprema pa rin na kanilang maaring pagdulugan.
Sa lunes maghahain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Poe kaugnay sa pagdisqualify sa kanya ng 2nd Division ng ahensya. ( Bryan de Pa/UNTV News)
Tags: citizenship issue, Rizalito David, Senate Electoral Tribunal